Hypocrite

comments 2
Uncategorized

Hypocrite – a person who pretends to have virtues, moral or religious beliefs, principles, etc., that he or she does not actually possess; especially a person whose actions belie stated beliefs.

My friend, let’s call him “AL” because he wants to be anonymous, sent me an article that is worth sharing (With his permission of course). It talks about the people’s impression on churchgoers. Or in our language, “mga taong simbahan.” In our country, when you say “taong simbahan” there’s already the connotation of having a “double standard” lifestyle. A more blunt description would be, ‘hypocrite.’ Sadly, this impression stops a lot of people from going to Church. And this has prevented us from receiving the immeasurable graces the mass, the Eucharist, the Heart of Christian faith gives.

I pray that you’ll be blessed by this message:

“Hypocrite”

‘Yan yung salita na nakapagpalayo sakin sa simbahan dati.

‘Yan yung madalas kong marining dati na tawag nila sa mga taong simba nang simba pero wala naman nababago sa ugali nila.

Madalas na sinasabihan n’yan ay ang mga tsismosa na pala-simba, tapos pagkauwi tsismis pa more. Ganyan din ang tingin ko sa sarili ko nung nagsisimba ako noon. Dahil nga puro din ako kalokohan, akala ko ka-ipokritohan na ‘yun.

 Pero hindi pala ganun. Hindi dahil gumagawa tayo ng kasalanan habang nagseserve tayo kay Lord eh ipokrito na agad tayo. Ganyan kasi agad ang tingin ng ibang tao sa mga nagseserve kay Lord o nagsisimba pero nakakagawa pa din ng sablay sa buhay. Madalas gumamit ng salitang yan ay ‘yung mga taong ‘di nagagawang sumimba. Tingin nila na mas tama pang wag nalang magsimba kasi makakagawa ka lang din naman ng pagkakasala.

 Pero lahat tayo ay nangangailangan kay Lord. At alam ko na mahirap gawin ‘to, pero sana magawa nating unawain na lang ang mga taong ito..

 Walang masama sa paglapit sa Diyos kahit na nakakagawa pa din tayo ng mali sa buhay. At hindi pala ka-ipokritohan lalo na’t bukal sa loob ang paglapit sa Kanya. Sa tingin ko at sa pagkakakilala ko kay Lord, lahat ng taong kailangan s’ya ay welcome sa kanya, “bukas palad”, hindi sya choosy, as in kahit sino.

 Kahit ano pang tindi ng kasalanan mo, welcome ka pa rin. Basta alam mo lang ang mga mali mong nagagawa kasi syempre dapat aware ka din sa mga mali mo, eh anong babaguhin mo? At dapat ay handa kang magbago. Hindi kasi talaga gano’n kadali magbago. At alam ni Lord ‘yun lalo na sa mga taong matagal nang nawala ang values na natutunan sa simbahan at masyado nang naimpluwensyahan ng mundo.

 At wala din sa bokabularyo ni Lord ang salitang ‘yan. Hindi ka nya tatawaging “Hypocrite” kahit kelan. Basta lumalapit ka sa Kanya, makakakuha ka ng linaw sa mga teachings n’ya. Kahit simpleng maalala mo s’ya pag may hihilingin ka at pumasok ka sa simbahan ay hindi pa din ka-ipokritohan ‘yun. Sa tingin ko, ok kay Lord yun. Dahil kahit papaano naalala mo sya. Kasi hindi sya madamot. Hindi ka nya agad huhusgahan, di tulad ng kapitbahay n’yo o ng ibang tao.

 Kahit nga nakalimutan na natin s’ya, binibigyan pa din n’ya tayo ng madaming blessings. Uunawain ka n’ya ng uunawain. Daig pa nya ang GF/BF mo na very understanding. Ganon s’ya. Ganon n’ya tayo kamahal.

 Hindi lahat ng tao agad agad na natututo sa mga mali nila. Kahit matanda ka na makakagawa ka pa din ng kasalanan.

 Sa tingin ko kaya araw-araw ang mass at nag-iwan pa sya ng ‘Bible’ na pede natin basahin para i-guide tayo at makapag-remind sa ’tin sa mga turo nya at sa mga dapat nating isabuhay. Dahil nga sadyang matigas ang ulo natin. Kahit paulit-ulit pa tayo. At alam nya ‘yun.

 Swerte lang tayo at sobrang haba ng pisi ni Lord. Thank you Lord!! 🙂 Hindi ka N’ya ibabagsak kapag gumawa ka ng mali. ‘Di tulad ng exam sa college na pag bumagsak ka na eh bagsak ka na. Swerte mo na lang kung my removal exam ka pa. Kung wala, eh di sorry ka na lang.

 Pero hindi s’ya gano’n. Sobrang daming chance ang binibigay n’ya sa’tin. Kung iisipin natin unlimited sya sa lifetime natin, pero habang maaga dapat na tayong magbago. Hindi dahil para ‘di tayo mapunta sa hell. Pero, mas ok na mag-iwan tayo ng magagandang bagay sa mundo kesa maalala ka ng tao dahil sa kalokohan mo. O hindi ka nila maalala kasi nga wala ka man lang nagawa. Pero sabagay ‘pag namatay tayo biglang bumabait ang comments ng mga tao sa ’tin. Ba’t kaya ganon?

 Pero ‘wag na natin hayaan na mangyari ‘yon. Ngayon pa lang magbago na tayo. At isa pang magandang dahilan sa pagbabago ay ang sobrang daming blessings na ibinibigay sa’tin ni Lord. Kahit nga buhay N’ya ay ibinigay na sa atin. Ibalik na lang natin sa pamamagitan ng paggawa ng tama at pagsunod sa mga turo nya. Kung sa ibang tao nga nakakatanaw tayo ng utang na loob. Dapat lalo na sa Kanya.. ‘Di ba mga tol?

 

Sa mundo kasi natin, madaming mapanghusga. Mas nakikita ang mali kesa sa tama.

At wala na tayong magagawa dun. Ganyan na talaga ata.

At aminin natin, minsan ganun din tayo. Naikokonek kasi minsan ng tao ang mga kasalanan natin sa paglapit natin kay Lord. At sasamahan pa nila ng mga salitang

“simba ng simba tapos paglabas naman ng simbahan puro kalokohan.”

 

Pero ‘di mo din masisisi minsan ang mga tao dahil baka ‘yun nga ang nakikita nila sayo? Kaya tingnan din natin ang ating mga sarili. Alamin din natin ang mga ginagawa at pag-uugali natin.

 Lagi kong naririnig at halos lahat ng naattendan kong talks at masses ay nagsasabing isabuhay ang turo ni Lord. Hindi man po ganun kadali, madami mang hadlang, at pagsubok, dapat pagsumikapan pa rin. Kasi mas mararamdaman mo ang pagbabago kapag may natutunan ka at kapag pinaghirapan mo. Parang lovelife lang, sa tingin ko ❤ hehe.

 Kaya kung may kilala tayo na sa tingin natin ay nagsisimba lang para maisuot ang bagong biling damit, o ‘yung ka-kilala mo na pagkasimba eh napakasutil pa din s buhay, eh wag natin agad i-judge. Kasi kahit tayo, alam natin sa sarili natin na gumagawa pa rin tayo ng sablay. Kaya nga nangungumpisal pa rin tayo. Normal lang na nakakagawa tayo ng mali. At ‘yun din ang dahilan kaya dapat tayong mas lumapit sa Kanya.. 🙂

-AL

This message is so good I couldn’t add more to it.

Receive God’s love.

Peace be with you.

Mark Lester Fernando

The Author

Hi! My name is Mark Lester Fernando. I am a youth leader, writer, speaker, basketball and science enthusiast (I also work in a science community), and an aspiring voice talent. I love to see God in all things, be it simple or complex. From it, I am able to see the extraordinary in the ordinary. I like to inspire people and write about experiencing the good in everything. I invite you to find peace amidst your busyness and discover the Lord of All Things.

2 Comments

  1. Wendy Abonitalla says

    Nice! Worth to read til the last word. Thanks Kuya Mark for sharing God’s message.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s